Today is Sun, January 20, 2019

Muelle Bay ay isa sa world’s most beautiful bays

Source: ORIENTAL MINDORO NGAYON, Enero-Marso 2005

MUELLE BAY, sa Puerto Galera, isa sa pinakamandang dagat sa buong mundo.

Kinilala noong Marso 30 sa isang international forum sa bansang Vietnam and Muelle Bay ng Puerto Galera bilang isa sa "world’s most beautiful bays."

Tinanggap ng Puerto Galera ang pandaigdigang pagkilala matapos makumpleto ang kinakailangan dokumento at pagdaan sa masusing pagsusuri ng mga eksperto ang mga baybaying dagat. Ayon kay Puerto Galera Mayor Aristeo E. Atienza, ang pagkilalang ito ay isang akreditasyon hindi lamang para sa Puerto Galera o sa Oriental Mindoro kundi maging sa Pilipinas sa larangan ng turismo at likas na yaman. Sa Pilipinas, ang Muelle Bay lamang ang napasama. Sinabi ni Mayor Atienza na mahirap mapabilang sa ganitong kataas na international category, kung kaya’t isa itong pagpapatunay ng kagandahan at kalinisan ng mga likas na yaman ng lalawigan. Ini-nomina ang Puerto Galera ni Hubert D’aboville, chairman ng isang non government organization na nagtataguyod sa turismo at kabuhayan ng iba’t ibang bansa. Sa pamamagitan nito, nabigyan ng pagkakataon ang Puerto Galera upang mapabilang sa hanay ng mga kinikilalang tourist destination sa buong mundo, magmamalaki ni Atienza. Ipinagmalaki rin ni Atienza na ang tagumpay na ito ay dulot ng pagtutulongan ng mga disiplinadong mamamayan at masisipag na awtoridad at local na pamahalaan. Tumulak noong Marso 30 patungong Vietnam sina Mayor Atienza, D’aboville, Councilor Daniel D. Enriquez, chairman ng Sangguniang Bayan committee on environment, at isang kinatawan ng national press upang tanggapin ang katibayan. Si D’aboville rin ang sumagot sa plane tickets nila.